peeking

11-09-11

Charm is deceptive, and beauty is fleeting; but a woman who fears the Lord is to be praised. Prov. 31:30

THIS BLOG IS DEDICATED TO MY BOYFIE ♥ :">

Yung ang gaganda ng mga damit sa ukay-ukay lalo na yung mga longsleeves, kaso naisip ko “saan ko naman ito susuotin? ang init init sa Pinas?”

Wednesday, January 9, 2013

DSLR….

Honestly, nung nakaexperience na kong laging kinukuhanan gamit ang DSLR parang ayoko ng gamitin yung digicam ko. Haha like srsly, ibang iba kasi yung quality, laking ganda ng DSLR, haha kaso nga lang hindi naman sakin yun. XD Pero nagbabalak bumili kasi hilig ko naman talaga ang magpicture ng magpicture XD Go for Canon daw, para maiba. Lahat kasi nakaNIKON. LOL

Thursday, January 3, 2013

Minsan bigla mo na lang mararamdaman na inlove ka na naman, pero sa iisang lalake pa rin ♥

Thursday, November 8, 2012
Monday, November 5, 2012

Kahit may isang taong nagiging dahilan ng kalungkutan ko, marami din namang nagbibigay kasiyahan sakin. Wala ng dahilan para malungkot, talo siya ng kasiyahan! :)

Thursday, October 11, 2012

Kung gagawa ka ng isang desisyon, pag-isipan mong mabuti. Wag na wag kang magdedecide ng dahil lang sa napipilitan ka. Pasukin mo ang isang bagay dahil gusto mo talaga, hindi lang dahil sa kailangang kailangan mo na. Maaring sa una mag-eenjoy ka pero sa huli, pagsisisihan mo din lahat. Dahil hindi mo naman talaga gusto, kumbaga, napilitan ka lang. No Choice. Pero lahat tayo may choice. Wag kang matakot. Always take the risk. Hindi mo maeenjoy ang buhay mo kung hindi mo susubukan lahat ng tingin mo naman ay kaya mo. :)

Wednesday, September 19, 2012

Just a thought

Sa maniwala man tayo o hindi na may Hell. Mas okay pa din yung maniwala. If ever man na hindi nga totoong meron. Atleast, wala naman mawawala sau. Eh paano kung meron nga? Malaking problema yun. Palibahasa ang mga tao hirap na hirap isurrender ung mga bisyo nila. Nabubuhay daw sila para maging magsaya. At ang kasiyahan nila ay nagmumula puro sa mga kasalanan. Sa alak, sugal, porn, yosi, at kung ano2 pa. Hindi nila alam yung tunay na kasiyahan ay hindi dun nakukuha. Try nyong kilalanin si Lord at magkaroon ng relasyon sa kanya na parang Bestfriend mo. Yung kasiyahan na binibigay ng mga luho at pera mo, walang wala sa mga biyayang ipprmdam sau ni Lord :) God bless everyone! :)

Saturday, June 30, 2012

Kahit gaano kadame ang nagawa mong mabuti pag gumawa ka ng isang masama khit maliit, mag-iiba na ang tingin nila sayo. Hindi na nila makakalimutan yun.

Wednesday, June 6, 2012

Even God knows how to forgive..

Chance~

Yun naman kasi ang mali sa ibang tao, pag nagkamali yung partner nila, break na agad ang gusto. Hindi naman break-up ang solusyon sa mga pagkakamali ng partner mo. Dapat may understanding and syempre consideration sa pinagsamahan nyo. Kung mahal mo talaga ang isang tao kung nakikita mo namang sincere sya sa paghingi ng tawad at nangangakong magbabago, patawarin mo, bigyan mo ng chance. Hindi yung isang mali, bye na agad, tsupi na agad c bf/gf. Paano kung break’in mo siya tapos makakilala ka ng bago, then okay kayo sa simula tapos may nakita ka ding mali or may nagawa syang hindi mo gusto na katulad nung ex mo. Ganun na lang yun? Break na din agad? So, mga makakailan kang bf/gf bago ka matutong magbigay ng chance sa mga maling nagagawa nila? Tao lang yan, kahit ikaw din mismo nagkakamali. Pero kung paulit-ulit na at nahihirapan ka na, edi Go. Kesa nakikisama ka pa sa kanya, hindi mo na naman pala mahal at hindi ka na pala masaya. Basta pag nakipagbreak ka, sabihin mo yung tunay na dahila hindi yung hahanap ka ng maliit na butas para hindi panget tignan na ikaw yung nakipagbreak. Gets? If you wanna be love, be lovable..

Monday, May 28, 2012
Wednesday, May 23, 2012

Hindi niya malalaman kung gaano kasakit hangga’t hindi sa kanya nangyayari.

Tuesday, May 22, 2012

Opinion lang~

Yung opinyon ko dun sa mga nagpoprotesta? Hindi ako pro sa kanila, though hindi ako fan ni Lady Gaga, hindi din ako hater. Wala lang siya sakin, wala akong pakialam sa kanya. Haha

Sa ginawa kasi nung mga ralyista lalo nilang pinalala yung sitwasyon, lalong naghimutok yung mga tao, kasi hindi naman lahat maiintindihan kung bakit sila nagpoprotesta? Syempre ang nasa isip lang nila, gusto nilang makita si Lady Gaga. At yung satanic? or bad influence ni Gaga, nasa individual na din yun, kung paano sila magpapadala.

Sana ang ginawa na lang ng mga masyadong relihiyosang tao, pinagdasal nila yung mga nanuod, saka si Lady Gaga. Haha Masamang magcondemn ng tao, hindi natin alam ang katotohanan about kay Gaga though madame silang nakikitang evidence daw. 

I am a Christian, pero hindi talga ako pabor sa ginawa nila. Ang sana kasi hindi na lang sila nag-ingay, pray na lang. At nagpost ng mga magagandang verses para kay Gaga, hindi yung halos parang ginawa na talagang demonyo si Gaga at ginanun nila. Anu tuloy kinalabasan? Edi yung mga Catholic or relihiyosong tao pa yung napalabas na masama? Sila pa ngayun yung binabato ng mga masasakit na salita.

Mag-isip muna kasi bago magprotesta. Hindi sa lahat ng pagkakataon lagi nyong ipagsisigawan yan, mag-isip munang mabuti. Imbis na maging maganda resulta, anong nangyari? Nganga. Kayo pa ngayon ang napapahiya.

Friday, May 18, 2012

Huwag tayong magpabulag sa mga nakikita lang ng ating mga mata, may mga bagay na hindi lang mata ang nakakakita. Hindi dahil sa gwapo at maganda na ang isang tao ay mahal mo na agad. Iba pa rin pag yung maganda na ang panglabas at pati na din ang kalooban. Eh ano kung hindi kagwapuhan o kagandahan? Kung sagad sagad naman ang kabutihan ng puso? Panalo ka na dun. Anung saysay ng mukha kung ugali naman nya eh ang sama sama? Talo ka naman dun. Doon pa rin tayo sa pangloob :)

Masasabi lang ng gwapo at maganda? Bibigyan naman kita ng magandang lahi. LOL! Hindi na. Tapos yung ugali makukuha din sa’yo? Parusa yun.

Lumilipas naman lahat ng ganda eh, una unahan lang. Saka may mga taong gumaganda pag yung ugali nya maganda din. Totoo yun, dame kong namimeet na ganun, masasabi ko sa unang kita na hindi siya maganda o gwapo. Pero dahil nakilala mo na talaga sya at turn on ka sa maganda nyang ugali, para bang ang ganda ganda lagi ng dating niya. Yun, yun ang tunay na maganda :)

Thursday, May 17, 2012
Kapag nag-aaway tayo at alam mong galit na galit ako, ang kahinaan ko lang naman ay yung mahigpit mong yakap. Dito kasi ramdam na ramdam ko ang sincerity mo na inaamin mong nagkamali ka, na natatakot kang iwan kita. Pinaparamdam mong hindi mo kayang mawala ako. Ako naman mahina lang, isang yakap mo lang na mahigpit, nawawala na agad lahat ng galit, eh kasi naman mahal na mahal kita. Ang sarap sarap ng yakap mo :)

Kapag nag-aaway tayo at alam mong galit na galit ako, ang kahinaan ko lang naman ay yung mahigpit mong yakap. Dito kasi ramdam na ramdam ko ang sincerity mo na inaamin mong nagkamali ka, na natatakot kang iwan kita. Pinaparamdam mong hindi mo kayang mawala ako. Ako naman mahina lang, isang yakap mo lang na mahigpit, nawawala na agad lahat ng galit, eh kasi naman mahal na mahal kita. Ang sarap sarap ng yakap mo :)

 
1 of 6
Next page