
Dear Boys,
Pagpasensyahan nyo na kami kung laging mainit ang ulo namin sa inyo, gusto kasi namin lagi kami sinusuyo, parang laging nililigawan.
Sana naman hindi dahil sa sinagot na namin kayo hindi nyo na ipapakita ng todo yung pagmamahal nyo.
Pasensya na rin kung hindi kami open sa inyo, hindi namin masabi sa harap niya kung ano ba talaga ang problema.
Gusto namin kayo mismo makaalam nun at makarealize kung anong nagawa nyo.
Pag may dalaw kami, wag nyo ng sabayan, iba talaga ang mood namin pag may period. Kayo na lang umintindi.
Hindi lang kami showee, pero mahal na mahal namin kayo.
Ayaw namin ng naagaw ng iba ang atensyon nyo, kahit sabihing kaibigan lang ang turing nyo sa iba, natatakot lang kami na baka mahulog ka sa kanya kasi sa kaibigan din tayo nagsimula..
Sana iparamdam niyo palagi kung gaano nyo kami kamahal, wag kayong magbago simula nung nanligaw kayo at hanggang sa sinagot na namin kayo..
Sincerely Yours,
Girls