peeking

11-09-11

Charm is deceptive, and beauty is fleeting; but a woman who fears the Lord is to be praised. Prov. 31:30

THIS BLOG IS DEDICATED TO MY BOYFIE ♥ :">

Walang ibinigay na problema ang Diyos na hindi natin makakaya, minsan lang kasi ito ang paraan Niya para lumapit tayo sa Kanya.

Thursday, November 10, 2011

Pagpapala

Walang alinlangan na gusto ng Diyos na lagi tayong pinagpapala sa lahat ng oras.

Ayon sa bibliya, si Jesus ay dumating para magkaroon tayo ng buhay na may kasaganaan. Kaya sinsabi dito na dapat nagsisimula tayong magisip ng mga bagay na marangal, tama, kaibig-ibig, dalisay, at kapuri-puri.

Kaya pag bigla mong naisip na hindi ka magtatagumpay, paltan mo ang iyong kaisipan ng ganito, “Lord, sabi mo sa Kawikaan na kapag ikaw ang inuna ko ay ibibigay mo sakin ang katagumpayan. Sabi mo sa Awit na iingatan mo ako at papatnubayan. Sabi mo sa Deutronomy na pupuspusin mo ako Iyong pagpapala.”

Ganyan lagi dapat ang inilalagay natin sa isip natin may problema man o wala! :)

Deut.8:2 “At ang lahat ng pagpapalang ito ay darating sa iyo at aabot sa iyo, kung iyong didinggin ang tinig ng Panginoon mong Dios.”